Monday, January 11, 2010

(12-30-09) Day 9- Practicum in Clinical Psychology

Founded by Dr. Randy Dellosa, Life Change Recovery Center (LCRC) is a psychiatric facility and rehabilitation center for people suffering from schizophrenia, depression, addiction, and other unmanageable behaviors. It is located at #105 Scout Rallos Street, Brgy. Sacred Heart, Kamuning, Quezon City.

For further information about LCRC, you may contact 415-7964 or 415-6529. You may also visit www.randydellosa.com

Ito na yung big day! Nag-meeting muna kami with Sir al para sa mga updates at sa mga kailangan naming gawin. Sinabihan rin niya kami na gumawa ng banner for Sir Vito kasi last day na niya sa LCRC. We have only an hour to do that. Ayun sobrang hirap mag-isip ng concept para sa banner pero nagawa naman namin yung banner. Medyo late nga lang namin siya natapos. Better late than never, haha...

Back to the year-end program ulit. Habang nap time nila, sinet-up na namin yung session hall. Yung AVP rin tinulungan ko si Haha na mag-ayos. Bad trip pa kasi ang tagal niya lagi mag-save at mag-open pero natapos naman namin siya yun nga lang ayaw niya mag-play! Sayang lang ang ganda pa naman nung mga songs! Sana magamit pa siya next time!

And the program officially starts.....Bigla akong kinabahan kasi ako yung mag-hohost nung gameshow! Hindi pa naman ako sanay mag-host at sana lang ay maging energetic akong host. During the gameshow, nakakatuwa lang kasi multi-tasking kaming mga students. Yung mga host naging tagahawak ng letter, tapos yung nagdocument pa nung game, tatlo-talong camera yung hawak. Nakaya naman namin eh..hehe..

Sobrang nakakataranta din yung pagset-up nung mga candles para sa culminating activity. Kailangan na hindi namin masira yung moment ng nagsasabi ng mga testimonials nila.

Medyo nagpakabobo rin ako sa pagpatay nung mga apoy sa mga pots. Ayun hinipan ko sila kaya lahat ng abo napunta sa mukha ko habang nakaupo ako sa gitna haha! Buti na lang may mga tumulong sa akin.

Sobrang solemn nung culminating activity. Na-feel nila yung moment. Yung mga residents na akala namin na aastig-astig ay umiyak. Nalaman ko na may soft side rin pala siya.

Nakakatuwa rin yung pagbibigay ng mga awards sa kanila. Makikita sa kanila na talagang natutuwa sila na marecognize sila. Kahit naman siguro matutuwa na marecognize yung mga ginagawa mo di ba?!

Haay salamat natapos din ang year-end program...Sa tingin ko successful naman siya at syempre congratulations sa aming lahat!

No comments:

Post a Comment