Monday, January 11, 2010

(12-21-09) Day 3 -Practicum in Clinical Psychology

Founded by Dr. Randy Dellosa, Life Change Recovery Center (LCRC) is a psychiatric facility and rehabilitation center for people suffering from schizophrenia, depression, addiction, and other unmanageable behaviors. It is located at #105 Scout Rallos Street, Brgy. Sacred Heart, Kamuning, Quezon City.For further information about LCRC, you may contact 415-7964 or 415-6529. You may also visit www.randydellosa.com

Third day na namin! This time, parang it's going to be our very first normal day as practicumers kasi gagawin na namin yung usual na ginagawa ng practicumers hehe... Yun nga, pinag-isip kami ng mga SLE's na pwede naming ipagawa sa mga residents ng LCRC. Sobrang naexcite ako kasi mababahagi namin yung mga naexperience namin sa kanila, yung mga activities na naexperience namin na talaga namang nag-enjoy kami.

At first, akala ko hindi sila magiging cooperative pero surprisingly sobrang nakicooperate sila sa amin at ang pinakamasaya dun naenjoy nila lahat ng pinagawa namin sa kanila! Sobrang kinabahan din ako ng husto kasi isa ako sa magfafacilitate ng SLE's. Actually, gusto ko talagang maging isang facilitator after school pero ang problema ko, feeling ko hindi ako effective maging facilitator kasi hindi ako extroverted na tao and feeling ko hindi ko kayang humawak ng isang grupo.

On facilitating the SLE, feel ko, okay naman siya pero syempre still needs improvement. Sa sobrang kaba ko, naging mababaw yung pagprocess ng activity at hindi ko natanong yung mga important processing questions. Pero, from that experience, alam ko na yung mga dapat kong gawin sa pagfacilitate ng SLE.

No comments:

Post a Comment