Monday, January 18, 2010

(01-06-10) Day 12- Practicum in Clinical Psychology

Founded by Dr. Randy Dellosa, Life Change Recovery Center (LCRC) is a psychiatric facility and rehabilitation center for people suffering from schizophrenia, depression, addiction, and other unmanageable behaviors. It is located at #105 Scout Rallos Street, Brgy. Sacred Heart, Kamuning, Quezon City.

For further information about LCRC, you may contact 415-7964 or 415-6529. You may also visit www.randydellosa.com

Binigyan kami ni Sir Al ng isang passage para mag-reflect at para i-share namin sa isa't isa yung mga insights namin about dun. Tungkol yun sa mga reasons kung bakit nagpapanggap ang mga tao.

It's a nice passage. Lahat naman ng tao nagpapanggap eh! Marami kasing takot na ipakita yung sarili nila kasi natatakot silang layuan ng ibang tao. Personally, madalas din ako mag-pretend. Way kasi siya para sa akin ng pakikisama. Naisip ko rin kasi na hindi rin naman pwedeng sa lahat ng pagkakataon magpapakatotoo ka. Hindi naman porket galit ka ay ipapakita mong galit ka. Kailangan rin mo kasi minsan ng self-control para hindi ka makasakit ng ibang tao at hindi ka lumabag sa morals ng lipunan.

Ibinahagi rin namin yung passage sa mga residents. Sobrang natuwa ako sa flow ng sharing namin. Mas nakilala ko yung mga residents sa pamamagitan ng sharing nila. Nalaman ko na hindi rin pala sa pakikisama mo kailangang mag-pretend. Minsan kailangan mo ring mag-pretend na strong ka para itaguyod mo yung family mo ayon sa isa sa mga residents. Siguro nga prone ka sa pagprepretend kung alam mong ikaw yung sinasandalan ng pamilya mo para maging strong rin sila at the same time.

Siguro rin sa pamamagitan ng passage marami din silang natutunan.

No comments:

Post a Comment