Founded by Dr. Randy Dellosa, Life Change Recovery Center (LCRC) is a psychiatric facility and rehabilitation center for people suffering from schizophrenia, depression, addiction, and other unmanageable behaviors. It is located at #105 Scout Rallos Street, Brgy. Sacred Heart, Kamuning, Quezon City.
For further information about LCRC, you may contact 415-7964 or 415-6529. You may also visit http://www.randydellosa.com/
First day namin sa practicum sa LCRC (at last!). Sa sobrang excited ko, hindi ata ako nakatulog nang husto. Sobrang naprapraning ako kung anong gagawin namin kahit nainform naman kami na gagawa kami ng Christmas decorations.. hehe...
On that day, first time namin makita and maka-interact yung mga residents ng LCRC. Nung umaga, may mga ilan kaming naka-interact na residents ng LCRC. Sobrang friendly nila. Inapproach nila kami at parang naging interesado sila sa ginagawa namin so tinuruan namin sila. Mas mabilisi pa yata sila matuto kaysa sa akin..hehe..Nainform rin kami ng umagang 'yon na may worship service yung mga residents. Pinapasok kami sa loob ng session hall para samahan sila. First time kong makapasok ng session hall tapos first time ko rin sila makita lahat. Hindi ko alam kung paano sila i-aaproach. Medyo nahirapan nga ako kasi wala talaga akong alam tungkol sa kanila. Kahit age nila hindi ko alam. Hindi ko rin alam yung mga cases nila..as in clueless talaga ako nung mga panahon na 'yon. Medyo natakot rin ako ng konti sa kanila kasi grabe silang makatitig. Siguro, bago kasi kami kaya kinikilala muna nila kami.
Napunta na rin ako sa point na parang nasa ibang mundo ako. Siguro nga nanibago lang ako kasi ngayon lang ako ulit nakapag-interact sa mga ibang tao. Siguro used lang ako na makipag-interact sa mga ka-age ko. Hindi lang siguro ako sanay makipag-interact sa mga hindi ko ka-age.
Then, pinagpatuloy na namin yung kailangan naming gawin. Sobrang bad trip lang kasi may sakit ako nun pero we're still doing what we're supposed to do. Syempre, sobrang ganado pa kami kasi first day namin eh!
Medyo nakakapagod yung first day namin sa LCRC pero iniisip ko na lang na we're doing this para sa residents ng LCRC (naks!)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment