Friday, January 22, 2010

(01-11-10) Day 14 -Practicum in Clinical Psychology

Founded by Dr. Randy Dellosa, Life Change Recovery Center (LCRC) is a psychiatric facility and rehabilitation center for people suffering from schizophrenia, depression, addiction, and other unmanageable behaviors. It is located at #105 Scout Rallos Street, Brgy. Sacred Heart, Kamuning, Quezon City.

For further information about LCRC, you may contact 415-7964 or 415-6529. You may also visit http://www.randydellosa.com/

Bagong theme na naman. This week the theme is "Living in the Here and Now". Bagong SLE's na naman. Sa week na 'to medyo nahirapan ako sa paggawa ng SLE's. Hindi ko alam kung paano gagawing mga SLE's yung mga nareresearch ko. Hindi ako satisfied sa mga ginawa kong SLE's buti na lang at marami pa kaming napagpiliang iba!

Absent din si Sir Al ngayong day na 'to kaya kailangan naming gawin ang best namin para kahit wala si Sir Al ay makatulong pa rin kami sa mga residents ng LCRC.

First day ni Laura ngayong 2010 sa LCRC. Para ma-experience niya magfacilitate, siya yung ginawa naming facilitator. Sa aming lahat kasi, siya yung pinaka-expose sa ganung field kaya naisip namin na isalang siya sa harap ng mga residents. As expected, na-facilitate naman ni Laura yung mga SLE's. Mas masaya lang sana kung nag-enjoy din yung mga residents. 

Medyo nainis lang ako sa mga residents kasi parang bored na bored sila sa mga activities namin. Bago naman namin ipresent yun sa kanila, tinatry muna namin yun sa aming mga sarili. Natutuwa naman kami kaya feeling namin matutuwa rin sila kapag ginawa nila 'yun. Nakakalungkot talaga kapag hindi sila nag-eenjoy!

Medyo pasaway din yung mga residents. Ginagaya nila yung mga co-residents nila na parang nakakainsulto. Sumama lang loob ko kasi dapat yung mga ganung bagay, dapat iniintindi na lang nila.

Sana sa mga sumunod na araw, mag-enjoy na sila sa mga SLE's namin at the same time sana rin marami silang matutunan sa mga 'yun.




No comments:

Post a Comment