Friday, January 29, 2010

(01-28-10) Day 22- Practicum in Clinical Psychology

Founded by Dr. Randy Dellosa, Life Change Recovery Center (LCRC) is a psychiatric facility and rehabilitation center for people suffering from schizophrenia, depression, addiction, and other unmanageable behaviors. It is located at #105 Scout Rallos Street, Brgy. Sacred Heart, Kamuning, Quezon City.

For further information about LCRC, you may contact 415-7964 or 415-6529. You may also visit http://www.randydellosa.com/

Sobrang nanghinayang ako sa araw na ito! Late na kasi ako nakapasok kasi hindi ako makabangon sa sobrang sakit ng ulo ko! Sabi nung mga co-practicumers ko, halos lahat daw nag-outdoor activities! Sobrang saya siguro nun kasi kadalasan mga lima lang ata yung nakakapag-outdoor sa kanila. After nga naman ng sanction nila, ang daming rewards ang natanggap nila. I'm so happy for them! Sobrang nakakainis talaga na na-miss ko yung moment na yun!

Sa afternoon naman, nanood sila ng movie. Pinanood namin yung "'Up". Sobrang natuwa naman sila. Nakakwentuhan rin namin yung sa mga residents. Actually, SHE has a girlfriend. Sobrang nanghihinayang kami sa kanya kasi maganda naman siya. Nag-suggest kami na itry naman niya minsan na maging babae. Sabi niya soon daw. Haha, at least hindi pa rin sarado utak niya about sa gender preference niya. Napansin ko rin sa kanya na parang masaya siya ngayong week na ito compare last week. Sinabi daw kasi sa kanya ng papa niya na madidischarge na daw siya sa Feb. 2. Siguro dahil dun na-uplift ulit yung feelings niya.  Miss na miss na niya siguro ang "outside world"..hehe..

(01-27-10) Day 21- Practicum in Clinical Psychology

Founded by Dr. Randy Dellosa, Life Change Recovery Center (LCRC) is a psychiatric facility and rehabilitation center for people suffering from schizophrenia, depression, addiction, and other unmanageable behaviors. It is located at #105 Scout Rallos Street, Brgy. Sacred Heart, Kamuning, Quezon City.

For further information about LCRC, you may contact 415-7964 or 415-6529. You may also visit http://www.randydellosa.com/

Graduation day ng isang resident ngayon! So sa umaga, hinanda na namin yung mga letterings para sa stage ng session hall. Ngayon araw din na ito yung first day na wala nang sanction yung mga residents! Sobrang busy ng LCRC kasi ang daming relatives na dumalaw sa mga residents. May mga na-discharge din na mga residents na pumunta dun as volunteers. May photo shoot din kami mamaya para sa book ni Doc Randy! Hehe.........

First time ko makausap si Doc Randy. Sobrang bait niya. Hindi siya nakakilang kausapin. Ayun, habang nasa "photo shoot" kami, nagkaroon kami ng kahit maikli lang na conversation. Sobrang humble niya at kahit ang dami na niyang achievements hindi mo mararamdaman yun kasi marunong siyang maki-level sa iyo. Tama nga talaga na isa siyang psychologist.

Sa hapon naman, nag-umpisa na yung graduation program nung isa sa mga resident. I knew it, magiging emotional nga yung graduation program. Dun pa lang sa message nung isang resident naiiyak na ako eh. Lalo na yung nagbigay din ng message yung mga relatives at syempre yung resident na gumraduate na. Pati nga rin nung nagbigay ng message yung practicum supervisor namin medyo naiiyak na ako. Sobrang nakakaiyak siya kasi sobrang matutuwa ka dun sa resident na gumraduate dahil after 6 months makakapag-bagong buhya na siya! Grabe, Kuya N, bilib ako sa iyo!

Monday, January 25, 2010

(01-25-10) Day 20- Practicum in Clinical Psychology

Founded by Dr. Randy Dellosa, Life Change Recovery Center (LCRC) is a psychiatric facility and rehabilitation center for people suffering from schizophrenia, depression, addiction, and other unmanageable behaviors. It is located at #105 Scout Rallos Street, Brgy. Sacred Heart, Kamuning, Quezon City.

For further information about LCRC, you may contact 415-7964 or 415-6529. You may also visit http://www.randydellosa.com/

For this week, our theme is "Finding Meaning in Life". Since Monday ngayon, we have to prepare activities for the morning and afternoon session.

Sa araw na 'to, hindi pa rin tapos yung sanction nila pero hindi na sila ganun kalungkot compare last week. Mas lively na sila ngayon!

For the morning session, si Laura yung nag-facilitate ng main activity. After ng session sa morning, nag-meeting kami with Sir Al and inevaluate niya yung way ng pagfafacilitate ng mga SLE's with the residents. Actually first time niya nagsabi ng negative things about sa amin. Lagi kasi positive yung mga sinasabi nya sa amin. Minsan nga parang hindi na ako masyado naapektuhan nung mga praises niya at iba pang positive things about us kasi nga lagi na lang ganun nangyayari. Pero ngayon, sinabi niya sa amin yung mga things na kailangan namin iimprove as a facilitator. Actually, sobrang nagustuhan ko yung mga pinag-usapan namin. At least, nalaman namin yung mga bagay na kailangan namin iimprove. Sobrang nakakatulong siya hindi lang sa pag-improve namin as a facilitator pati rin sa pag-grow namin as a person.

Dahil nga nag-comment si Sir Al about sa way ng pagfafacilitate namin, sobrang na-pressure ako as pagfafacilitate ko. Sobrang tinandaan ko lahat ng sinabi niya at ang lumabas tuloy (feeling ko lang) ay parang manipulated ko lahat ng ginagawa at sinasabi ko.

May comment din sa akin si Sir Al about sa way ng pagfafacilitate. May dating daw ako na parang siga at minsan may pagka-childish. Yeah, I agree. Of course, importante talaga yung modulation ng voice kapag nagfafacilitate pero para sa akin, parang joke lang yun! Akala ko kasi magfofocus na lang sila sa laman ng sinsabi ko. Haaaaaaaay, kailangan ko talaga baguhin yun!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! Pero sabi nga ni Haha, "There's always a next time." Kailangan ko pa talaga ng malaking improvement as a facilitator! Hope I can do it!

Friday, January 22, 2010

(01-21-10) Day 19- Practicum in Clinical Psychology

Founded by Dr. Randy Dellosa, Life Change Recovery Center (LCRC) is a psychiatric facility and rehabilitation center for people suffering from schizophrenia, depression, addiction, and other unmanageable behaviors. It is located at #105 Scout Rallos Street, Brgy. Sacred Heart, Kamuning, Quezon City.

For further information about LCRC, you may contact 415-7964 or 415-6529. You may also visit http://www.randydellosa.com/

Kahit creating joy and happiness yung theme for this week, ang lungkot ng ambiance sa loob ng session hall. May sanction kasi sila. Kailangan naming maging super alive para sumaya naman sila pero parang hindi pa rin effective.

Worship service ulit kami. Tama nga yung sinabi ni Pastor Paul na kahit may sanction yung mga residents dapat marunong pa rin silang maging masaya kaya cheer up residents!

Sa afternoon naman puro practice lang sila para sa dance competition nila. May napansin lang ako sa dalawang groups. Yung isang group kasi parang puro business lang yung iniisip nila kaya hindi mukhang maganda yung performance nila unlike dun sa kabilang group, nag-eenjoy sila sa ginagagawa nila kaya maganda rin yung kinalabasan ng performance.

Sobrang nakakalungkot lang kasi hindi namin mapapanood yung performance nila..huhu..(bakit pa kasi kami nagkapasok ng friday eh!)

(01-20-10) Day 18- Practicum in Clinical Psychology

Founded by Dr. Randy Dellosa, Life Change Recovery Center (LCRC) is a psychiatric facility and rehabilitation center for people suffering from schizophrenia, depression, addiction, and other unmanageable behaviors. It is located at #105 Scout Rallos Street, Brgy. Sacred Heart, Kamuning, Quezon City.


For further information about LCRC, you may contact 415-7964 or 415-6529. You may also visit http://www.randydellosa.com/

Sa pangalawang araw ng week na 'to, nabigyan na naman kami ng sanction. Guilty ako sa sanction na 'to ksi may mga pagkakataon ring nalelate ako. Naawa rin ako sa isa sa mga co-practicumers ko dahil naramdaman ko na sobrang magiguilty siya dahil alam niyang isa rin siya sa dahilan kung bakit kami binigyan ng sanction. Para rin naman sa kanya yun para maiwasan na rin niyang ma-late. Nasanay rin siguro kami sa school na hindi namang kailangang sakto dumating. Madalas kasing may palugit yung mga professors namin eh. Kailangan na naming sanayin yung mga sarili namin dahil malapit na rin kaming magtrabaho!

Sa araw na 'to, ako naman ang nag-admin work. Grabe, nakakalungkot siya. Tatlong oras mo ba namang kaharap yung fax machine habang naririnig mo silang nagsasaya sa loob ng session hall. Haay, sobrang nakakainggit talaga!

Sa hapon, nakapasok na rin ako sa sessin hall! Nag-assist lang kami kay Ms. Faye. Pinagupit na namin sa mga residents yung art project nila. Ang cute nung mga art projects nila nung nasa wall na ..hehe...

(01-18-10) Day 17- Practicum in Clinical Psychology

Founded by Dr. Randy Dellosa, Life Change Recovery Center (LCRC) is a psychiatric facility and rehabilitation center for people suffering from schizophrenia, depression, addiction, and other unmanageable behaviors. It is located at #105 Scout Rallos Street, Brgy. Sacred Heart, Kamuning, Quezon City.
For further information about LCRC, you may contact 415-7964 or 415-6529. You may also visit http://www.randydellosa.com/

Binigyan kami ni Sir Al ng 'minus 10 hours" na sanction..huhu.. Siguro kasalanan naman namin kasi hindi namin ginagawa yung mga duties and responsibilities namin sa practicum. Ok rin naman siya para at least madisiplina kami. Ayun naayos na yung mga dapat namin gawin. Naging fixed na rin yung mga gawain naman. (See, may nagawa talagang mabuti yung sanction namin!). Kami naka-assign magdikit ng letterings. First time ko pumasok sa session hall ng before 10:30am. Nakita ko yung mga ginagawa nila. Na-realize ko parang ang lungkot ng buhay nila. Kahit may nakaplay na music, parang hindi sila nag-eenjoy. Medyo natakot ulit ako dun sa  isang resident. Siya kasi yung nasa gate nung pumasok kami. Grabe siya makatitig pero I should understand yung case niya.

Tinulungan rin namin yung morning group sa kanilang SLE's. May activity sila na gagawa sila ng skit. Nagulat ako sa kanila. May talent pala sila sa sa pag-arte... hehe...

Turn naman namin sa hapon mag-SLE. But before that, nag-meeting muna kami with Sir Al para sa gagawin namin sa hapon. Buti na lang at mineet kami ni Sir. May mga dinagdag kasi siya na pwede namin i-share sa mga residents.

Overall, kahit may sanction kami, at least naging mas responsible kami at nagawa naman namin lahat ng kailangan namin gawin!

(01-14-10) Day 16- Practicum in Clinical Psychology

Founded by Dr. Randy Dellosa, Life Change Recovery Center (LCRC) is a psychiatric facility and rehabilitation center for people suffering from schizophrenia, depression, addiction, and other unmanageable behaviors. It is located at #105 Scout Rallos Street, Brgy. Sacred Heart, Kamuning, Quezon City.
For further information about LCRC, you may contact 415-7964 or 415-6529. You may also visit http://www.randydellosa.com/

For this day, worship service kami with Pastor Paul. Dahila sa every week kaming nagwoworship service, ang dami ko nang alam na christian songs! Sobrang enjoy lagi kapag Thursday morning! Ang ganda ng mga songs at sobrang and dami kong natutunan kay Pastor Paul.

Para sa movies, dapat papanoorin namin yung "Tuesdays with Morie". Naexcite nga sana ako kaso hindi na naman natuloy for the secod time around hindi na naman natuloy. Nakakalungkot talaga. Pinalitan na lang siya ng isang tagalog film. Ok rin naman siya. Ang cute ni Regine umarte. Nag-enjoy rin naman yung mga residents sa panonood. Tawa sila ng tawa kay Regine.

Medyo natakot rin ako nung day na yun. Tinatawag kasi ako nung isang residents. Eh kahapon rin ilang beses rin nya ako kinakausap. Medyo nakakatakot lang talaga siya. Buti na lang pinapasok siya nung isa sa mga attendants.

(01-13-10) Day 15- Practicum in Clinical Psychology

Founded by Dr. Randy Dellosa, Life Change Recovery Center (LCRC) is a psychiatric facility and rehabilitation center for people suffering from schizophrenia, depression, addiction, and other unmanageable behaviors. It is located at #105 Scout Rallos Street, Brgy. Sacred Heart, Kamuning, Quezon City.


For further information about LCRC, you may contact 415-7964 or 415-6529. You may also visit http://www.randydellosa.com/

For this day, aerobics session muna kami with the residents at art therapy with Ms. Faye. First time ko mag-join sa kanila mag-aerobics. Grabe, kahit ilang minutes pa lang ako nag-aeaerobics feeling ko nag-firm na yung mga muscles ko...hehe...

Sa afternoon naman, we had an art therapy with Ms. Faye. Lahat naman sila nakipag-cooperate. Yung iba lang, masyado silang conscious kung maganda ba yung gawa nila. Wala lang, gusto ko lang sana marealize nila na hindi naman yung pagiging artistic nila yung tinitingnan. Sana lang marealize nila kung ano ba yung meaning ng ginagawa nila...

Medyo nahirapan din ako mag-instruct dun sa isang residents. Kailangan kasi na ilagay yung mga dreams at aspirations nila. Sabi nya, matanda na daw siya kaya wala na daw siyang mga pangarap. Oo nga naman, kapag matanda ka na parang wala ka nang gustong pang makamit. Pero pinilit ko pa rin siyang magsulat. Naisip ko kung paano pa siya icoconvince na magsulat. Naisip ko na kung may mga dreams na lang siya para sa mga loved ones niya. Wala rin daw..

Sa huli, nagpapicture sila kasama nung art project nila. Ang cute nun! hehe...

(01-11-10) Day 14 -Practicum in Clinical Psychology

Founded by Dr. Randy Dellosa, Life Change Recovery Center (LCRC) is a psychiatric facility and rehabilitation center for people suffering from schizophrenia, depression, addiction, and other unmanageable behaviors. It is located at #105 Scout Rallos Street, Brgy. Sacred Heart, Kamuning, Quezon City.

For further information about LCRC, you may contact 415-7964 or 415-6529. You may also visit http://www.randydellosa.com/

Bagong theme na naman. This week the theme is "Living in the Here and Now". Bagong SLE's na naman. Sa week na 'to medyo nahirapan ako sa paggawa ng SLE's. Hindi ko alam kung paano gagawing mga SLE's yung mga nareresearch ko. Hindi ako satisfied sa mga ginawa kong SLE's buti na lang at marami pa kaming napagpiliang iba!

Absent din si Sir Al ngayong day na 'to kaya kailangan naming gawin ang best namin para kahit wala si Sir Al ay makatulong pa rin kami sa mga residents ng LCRC.

First day ni Laura ngayong 2010 sa LCRC. Para ma-experience niya magfacilitate, siya yung ginawa naming facilitator. Sa aming lahat kasi, siya yung pinaka-expose sa ganung field kaya naisip namin na isalang siya sa harap ng mga residents. As expected, na-facilitate naman ni Laura yung mga SLE's. Mas masaya lang sana kung nag-enjoy din yung mga residents. 

Medyo nainis lang ako sa mga residents kasi parang bored na bored sila sa mga activities namin. Bago naman namin ipresent yun sa kanila, tinatry muna namin yun sa aming mga sarili. Natutuwa naman kami kaya feeling namin matutuwa rin sila kapag ginawa nila 'yun. Nakakalungkot talaga kapag hindi sila nag-eenjoy!

Medyo pasaway din yung mga residents. Ginagaya nila yung mga co-residents nila na parang nakakainsulto. Sumama lang loob ko kasi dapat yung mga ganung bagay, dapat iniintindi na lang nila.

Sana sa mga sumunod na araw, mag-enjoy na sila sa mga SLE's namin at the same time sana rin marami silang matutunan sa mga 'yun.




Monday, January 18, 2010

(01-07-10) Day 13- Practicum in Clinical Psychology

Founded by Dr. Randy Dellosa, Life Change Recovery Center (LCRC) is a psychiatric facility and rehabilitation center for people suffering from schizophrenia, depression, addiction, and other unmanageable behaviors. It is located at #105 Scout Rallos Street, Brgy. Sacred Heart, Kamuning, Quezon City.

For further information about LCRC, you may contact 415-7964 or 415-6529. You may also visit http://www.randydellosa.com/

It was our first pastoral service in the year 2010! Second time na namin umattend ng pastoral service simula nung nag-practicum kami sa LCRC. Sa day na 'to, si Rio naman yung in-charge sa mga songs. Bagong songs na naman! Join ulit kami sa pagkanta! Grabe, dito talaga sa practicum namin lahat ng skills namin nahahasa eh! Artistic skills, dancing skills at syempre every thursday, ang aming singing skills! Enjoy naman siya lagi eh! First time ko lang kasi maka-attend ng pastoral service eh. Masaya kumanta para kay God at sobrang marami rin akong natutunan kay Pastor Paul.

Sa hapon, nanood naman kami ng movie. Mas marami nang nanood ngayon kaysa noong mga nakaraang araw para sa movie watching. Good thing at nagiging interesado na sila sa mga movies na pinapapalabas sa kanila!

(01-06-10) Day 12- Practicum in Clinical Psychology

Founded by Dr. Randy Dellosa, Life Change Recovery Center (LCRC) is a psychiatric facility and rehabilitation center for people suffering from schizophrenia, depression, addiction, and other unmanageable behaviors. It is located at #105 Scout Rallos Street, Brgy. Sacred Heart, Kamuning, Quezon City.

For further information about LCRC, you may contact 415-7964 or 415-6529. You may also visit www.randydellosa.com

Binigyan kami ni Sir Al ng isang passage para mag-reflect at para i-share namin sa isa't isa yung mga insights namin about dun. Tungkol yun sa mga reasons kung bakit nagpapanggap ang mga tao.

It's a nice passage. Lahat naman ng tao nagpapanggap eh! Marami kasing takot na ipakita yung sarili nila kasi natatakot silang layuan ng ibang tao. Personally, madalas din ako mag-pretend. Way kasi siya para sa akin ng pakikisama. Naisip ko rin kasi na hindi rin naman pwedeng sa lahat ng pagkakataon magpapakatotoo ka. Hindi naman porket galit ka ay ipapakita mong galit ka. Kailangan rin mo kasi minsan ng self-control para hindi ka makasakit ng ibang tao at hindi ka lumabag sa morals ng lipunan.

Ibinahagi rin namin yung passage sa mga residents. Sobrang natuwa ako sa flow ng sharing namin. Mas nakilala ko yung mga residents sa pamamagitan ng sharing nila. Nalaman ko na hindi rin pala sa pakikisama mo kailangang mag-pretend. Minsan kailangan mo ring mag-pretend na strong ka para itaguyod mo yung family mo ayon sa isa sa mga residents. Siguro nga prone ka sa pagprepretend kung alam mong ikaw yung sinasandalan ng pamilya mo para maging strong rin sila at the same time.

Siguro rin sa pamamagitan ng passage marami din silang natutunan.

(01-04-10) Day 11- Practicum in Clinical Psychology

Founded by Dr. Randy Dellosa, Life Change Recovery Center (LCRC) is a psychiatric facility and rehabilitation center for people suffering from schizophrenia, depression, addiction, and other unmanageable behaviors. It is located at #105 Scout Rallos Street, Brgy. Sacred Heart, Kamuning, Quezon City.

For further information about LCRC, you may contact 415-7964 or 415-6529. You may also visit http://www.randydellosa.com/

It's the first week of the year. First time rin namin makaranas ng week na may theme na. Hindi na pwede na basta bastang activities na lang yung ipreprepare namin. Dapat akma na sa theme.

Nag-facilitate ulit kami ng SLE's. Ngayon ko nakuha kung bakit kami prone sa rejection sa practicum namin. Sobrang ang pangit ng feeling kapag nakita mong hindi sila nag-enjoy sa pinagawa mo sa kanila. Parang hindi mo nagawa yung dapat na mangyari. Sobrang nakakadepress yung feeling. Feeling mo hindi ka successful sa ginawa mo.

Better luck next time......

Friday, January 15, 2010

(01-02-10) Day 10- Practicum in Clinical Psychology

Founded by Dr. Randy Dellosa, Life Change Recovery Center (LCRC) is a psychiatric facility and rehabilitation center for people suffering from schizophrenia, depression, addiction, and other unmanageable behaviors. It is located at #105 Scout Rallos Street, Brgy. Sacred Heart, Kamuning, Quezon City.

For further information about LCRC, you may contact 415-7964 or 415-6529. You may also visit www.randydellosa.com

It's 2010 and it was also our tenth day! Sa araw na ito, manonood lang sila ng movie. Naka-sked na panoorionnila ay "Five People You Meet in Heaven." Super excited ako kasi gusto ko rin siya mapanood. Nung nabasa ko kasi yung book, naisip ko na maganda siguro na mgaing movie yun. Hindi ko alam na mayroon pala. Nalaman ko lang nung sinabi sa Qtv na ipapalabas siya sa TV. Talagang minarkahan ko pa yung calendar namin kung kailan yung date na ipapalabas siya. Pero unfortunately, binaha kami at hindi pa gumagana yung TV nung pinalabas yun sa TV(sayang naman!)

May bagong resident sa LCRC. Yung nakita nya yung title nung movie parang naging interesado siya. Noong nakaraan kasi hindi lahat nakaka-appreciate nung movie kaya natuwa ako nung mayroon naging interesado. Nung sinalang na ung dvd sa player, sobrang mahina yung sound niya! Sobrang nakakapanghinayang!

Pumili na lang kami ng iba. Sabi nung isang resident, "Matilda" na lang daw panoorin namin so yun na lang pinanood namin. At least, may mga gusto talagang mapanood yun.


Monday, January 11, 2010

(12-30-09) Day 9- Practicum in Clinical Psychology

Founded by Dr. Randy Dellosa, Life Change Recovery Center (LCRC) is a psychiatric facility and rehabilitation center for people suffering from schizophrenia, depression, addiction, and other unmanageable behaviors. It is located at #105 Scout Rallos Street, Brgy. Sacred Heart, Kamuning, Quezon City.

For further information about LCRC, you may contact 415-7964 or 415-6529. You may also visit www.randydellosa.com

Ito na yung big day! Nag-meeting muna kami with Sir al para sa mga updates at sa mga kailangan naming gawin. Sinabihan rin niya kami na gumawa ng banner for Sir Vito kasi last day na niya sa LCRC. We have only an hour to do that. Ayun sobrang hirap mag-isip ng concept para sa banner pero nagawa naman namin yung banner. Medyo late nga lang namin siya natapos. Better late than never, haha...

Back to the year-end program ulit. Habang nap time nila, sinet-up na namin yung session hall. Yung AVP rin tinulungan ko si Haha na mag-ayos. Bad trip pa kasi ang tagal niya lagi mag-save at mag-open pero natapos naman namin siya yun nga lang ayaw niya mag-play! Sayang lang ang ganda pa naman nung mga songs! Sana magamit pa siya next time!

And the program officially starts.....Bigla akong kinabahan kasi ako yung mag-hohost nung gameshow! Hindi pa naman ako sanay mag-host at sana lang ay maging energetic akong host. During the gameshow, nakakatuwa lang kasi multi-tasking kaming mga students. Yung mga host naging tagahawak ng letter, tapos yung nagdocument pa nung game, tatlo-talong camera yung hawak. Nakaya naman namin eh..hehe..

Sobrang nakakataranta din yung pagset-up nung mga candles para sa culminating activity. Kailangan na hindi namin masira yung moment ng nagsasabi ng mga testimonials nila.

Medyo nagpakabobo rin ako sa pagpatay nung mga apoy sa mga pots. Ayun hinipan ko sila kaya lahat ng abo napunta sa mukha ko habang nakaupo ako sa gitna haha! Buti na lang may mga tumulong sa akin.

Sobrang solemn nung culminating activity. Na-feel nila yung moment. Yung mga residents na akala namin na aastig-astig ay umiyak. Nalaman ko na may soft side rin pala siya.

Nakakatuwa rin yung pagbibigay ng mga awards sa kanila. Makikita sa kanila na talagang natutuwa sila na marecognize sila. Kahit naman siguro matutuwa na marecognize yung mga ginagawa mo di ba?!

Haay salamat natapos din ang year-end program...Sa tingin ko successful naman siya at syempre congratulations sa aming lahat!

(12-29-09) Day 8- Practicum in Clinical Psychology

Founded by Dr. Randy Dellosa, Life Change Recovery Center (LCRC) is a psychiatric facility and rehabilitation center for people suffering from schizophrenia, depression, addiction, and other unmanageable behaviors. It is located at #105 Scout Rallos Street, Brgy. Sacred Heart, Kamuning, Quezon City.

For further information about LCRC, you may contact 415-7964 or 415-6529. You may also visit www.randydellosa.com

Isang araw na lang, year-end program na! Kailangan na naming i-finalize lahat! Kaya namin yan kahit anim lang kami! Ngayon ko lang naranasan na ganito lang kaming kakonti na mag-aayos ng program! Pero naniniwala akong kaya namin! May kanya kanya naman kaming ginagawa eh. Siguro kailangan lang talaga ng tamang division of labor at kailangan talaga na lahat may ginagawa.

Pinag-usapan namin kung para kanino ibibigay yung mga awards para sa mga residents. Nakakatuwa lang kasi hindi pa namin ganoon kakilala sila, sa pamamagitan nun, nalaman ko yung mga ugali nila. Yung ibang awards, medyo alam ko na kung kanino mapupunta pero yung iba, nagulat ako na may ganoon pala silang ugali. Nakakatuwa rin kasi kami yung na-assign na mag decorate nung mga sash nila...

Sa sobrang busy namin, nakalimutan na naming mag-practice para sa production number namin. Ayun, bago kami umuwi nag-practice kami! In just 30 minutes, nabuo na namin yung buong dance! Sana lang matandaan namin yung mga steps bukas..hehe...

Sana yung year-end program bukas ay maging successful...We can do it! Aja!

(12-28-09) Day 7- Practicum in Clinical Psychology

Founded by Dr. Randy Dellosa, Life Change Recovery Center (LCRC) is a psychiatric facility and rehabilitation center for people suffering from schizophrenia, depression, addiction, and other unmanageable behaviors. It is located at #105 Scout Rallos Street, Brgy. Sacred Heart, Kamuning, Quezon City.

For further information about LCRC, you may contact 415-7964 or 415-6529. You may also visit www.randydellosa.com

Palapit na nang palapit ang year 2010! Para salubungin ang 2010, nagprepare kami ng isang year-end program. Kanina, puro rehearsals lang kami para sa program. May dalawang presentation na pinrepare para sa mga residents ng LCRC. Yung isa, ballroom dance number and the other is a song number. Okay naman yung flow ng rehearsals kaso hindi pa masyado polished yung bawat number pero okay lang naman para ma-familiarize sila sa pwede nilang ipresent para sa program.

Nag-isip rin kami ng pwedeng maging ayos ng stage sa program. May maganda na namang plan para sa stage design. All we have to do is set it up. Kanina naman, nakapagstart na kaming gawin yung ibang kailangan para sa stage design. Kailangan na naming tapusin lahat ng kailangan bukas.

We have two days more to prepare for the program. We can do it!

(12-26-09) Day 6- Practicum in Clinical Psychology

Founded by Dr. Randy Dellosa, Life Change Recovery Center (LCRC) is a psychiatric facility and rehabilitation center for people suffering from schizophrenia, depression, addiction, and other unmanageable behaviors. It is located at #105 Scout Rallos Street, Brgy. Sacred Heart, Kamuning, Quezon City.

For further information about LCRC, you may contact 415-7964 or 415-6529. You may also visit www.randydellosa.com

Two days muna akong nagpahinga to celebrate the christmas season with my family. Then, we're back sa LCRC. May aerobics session ulit kami with Gayle of UST. Medyo nakakalungkot lang kasi hindi kumpleto yung mga residents na nadatnan namin at hindi rin kami kumpletong mga practicumers. Pero sabi nga, "The show must go on." Ayun, na-stretch ulit yung mga joints namin at after naman ng aerobics, nabuhayan na ulit ang mga dugo namin.

Sa afternoon naman, movie watching kami. Pinanood namin yung "Polar Express" featuring the voice of Tom Hanks. Akmang-akma siya sa christmas season kasi tungkol siya sa isang batang naniniwala kay Santa Claus. Nakakatuwa lang kasi kahit bata pa lang siya ay mayroon na siyang "faith" kahit kay Santa Claus nga lang.

Hope to see more movies sa mga darating pang mga araw and more aerobics session with Gayle hehe...

(12-23-09) Day 5- Practicum in Clinical Psychology

Founded by Dr. Randy Dellosa, Life Change Recovery Center (LCRC) is a psychiatric facility and rehabilitation center for people suffering from schizophrenia, depression, addiction, and other unmanageable behaviors. It is located at #105 Scout Rallos Street, Brgy. Sacred Heart, Kamuning, Quezon City.

For further information about LCRC, you may contact 415-7964 or 415-6529. You may also visit www.randydellosa.com

Day 5, pahinga na kami muna sa pagfacilitate ng SLE's. Sa morning seession, may aerobics kami to be led by Gayle from UST (Go Gayle!) Sobrang enjoy ulit. Nabanat yung mga joints namin na matagal nang napahinga (hehe!) and sobrang pinagpawisan kami sa pagsayaw ng Jai Ho. Parang nasa isang aerobics class talaga kami with our aerobics instructor, Gayle! (hehe!)

Sa afternoon session, pinagawa namin ng mga art projects yung mga residents ng LCRC. Gumawa sila ng mga bookmarks, teddy bears drawn in a paper, at decors para sa mga door knobs na may letter sa likod for their loved ones. Sobrang haba nung mga nakasulat sa letters nila. Halatang sobrang miss na miss na nila yung mga loved ones nila. Pinaganda rin nila yun ng husto na halata ring special yung pagbibigyan nila ng art project na yun.

Haay... It was again a very memorable day!

(12-22-09) Day 4- Practicum in Clinical Psychology

Founded by Dr. Randy Dellosa, Life Change Recovery Center (LCRC) is a psychiatric facility and rehabilitation center for people suffering from schizophrenia, depression, addiction, and other unmanageable behaviors. It is located at #105 Scout Rallos Street, Brgy. Sacred Heart, Kamuning, Quezon City.

For further information about LCRC, you may contact 415-7964 or 415-6529. You may also visit www.randydellosa.com

It's our fourth day na! Again, we came up with a new set of SLE's. Ayun enjoy ulit yung SLE's ng Group 1.

Sa afternoon session, group na namin yung in charge sa facilitating ng SLE's. Sumali kami sa mga activities ng mga residents. Grabeeh! Sobrang enjoy yung "Bahay, Baboy, Bagyo". Medyo matagal yung time na kinain nya kaya sobrang pinagpawisan kami ng husto pero sobrang nag-enjoy naman kami. Sa sobrang enjoyable nya, sobrang remarkable siya sa mga residents ng LCRC.

Sobrang nakakatuwa kasi nakakapagpasaya kami sa kanila. I really love doing SLE's. Hindi lang yung mga residents ng LCRC yung nag-eenjoy. Pati ako rin! Sobrang inaantay ko na nga lagi mag-11am at 3pm para makapasok na kami ng session hall to do SLE's.

(12-21-09) Day 3 -Practicum in Clinical Psychology

Founded by Dr. Randy Dellosa, Life Change Recovery Center (LCRC) is a psychiatric facility and rehabilitation center for people suffering from schizophrenia, depression, addiction, and other unmanageable behaviors. It is located at #105 Scout Rallos Street, Brgy. Sacred Heart, Kamuning, Quezon City.For further information about LCRC, you may contact 415-7964 or 415-6529. You may also visit www.randydellosa.com

Third day na namin! This time, parang it's going to be our very first normal day as practicumers kasi gagawin na namin yung usual na ginagawa ng practicumers hehe... Yun nga, pinag-isip kami ng mga SLE's na pwede naming ipagawa sa mga residents ng LCRC. Sobrang naexcite ako kasi mababahagi namin yung mga naexperience namin sa kanila, yung mga activities na naexperience namin na talaga namang nag-enjoy kami.

At first, akala ko hindi sila magiging cooperative pero surprisingly sobrang nakicooperate sila sa amin at ang pinakamasaya dun naenjoy nila lahat ng pinagawa namin sa kanila! Sobrang kinabahan din ako ng husto kasi isa ako sa magfafacilitate ng SLE's. Actually, gusto ko talagang maging isang facilitator after school pero ang problema ko, feeling ko hindi ako effective maging facilitator kasi hindi ako extroverted na tao and feeling ko hindi ko kayang humawak ng isang grupo.

On facilitating the SLE, feel ko, okay naman siya pero syempre still needs improvement. Sa sobrang kaba ko, naging mababaw yung pagprocess ng activity at hindi ko natanong yung mga important processing questions. Pero, from that experience, alam ko na yung mga dapat kong gawin sa pagfacilitate ng SLE.

(12-18-09) Day 2- Practicum in Clinical Psychology

Founded by Dr. Randy Dellosa, Life Change Recovery Center (LCRC) is a psychiatric facility and rehabilitation center for people suffering from schizophrenia, depression, addiction, and other unmanageable behaviors. It is located at #105 Scout Rallos Street, Brgy. Sacred Heart, Kamuning, Quezon City.

For further information about LCRC, you may contact 415-7964 or 415-6529. You may also visit www.randydellosa.com

It's our second day and it's also the christmas party at LCRC and now we're also part of it. Medyo late afternoon na kami nakapunta sa LCRC kasi we still have to attend our class. Ayun pinagpatuloy ulit namin tumulong sa pagset-up ng christmas party.

Then, nagsimula na yung christmas party. This time medyo kinabahan ako kasi magpeperform kami. Actually yung performance namin, naperform na namin sa seminar namin as our intermission number. Sobra sobra sobra sobra sobra sobra sobra sobrang nakakahiya yun nung pinerform namin sa mga classmates namin kasi sobrang daming camerang nagfaflash sa harap namin and marami din ang nagvivideo sa amin. Hindi kasi namin yun usually ginagawa eh! Kaya nagdadalawang-isisp ako kung ipeperform pa namin ulit yun kasi baka maging kahihiyan na naman yung mangyari sa amin lalo na't hindi pa namin masyado kilala yung mga manonood sa amin. Kaya after ng performance, sobrang nabunutan ako ng napakalaking tinik pero it was still fun naman!

Sobrang naaliw din ako sa mga performance ng mga residents from LCRC. Ang cute ng mga performance nila. Sobrang naenjoy ko rin yung closing song. Ang cute, feeling ko I'm one of the stars in ABS-CBN..hehe...

After ng christmas party with the residents, lumabas kami para sa christmas party for the staff and practicumers of LCRC. Medyo lowbat na ko nun pero nilubos lubos ko na tutal nandun na ko eh.

That night (or should I say morning), natulog muna kami sa bahay ng isa sa mga classmates namin kasi sobrang delikado na ring umuwi.

It was again tiring but it was still fun!

(12-17-09) Day 1- Practicum in Clinical Psychology

Founded by Dr. Randy Dellosa, Life Change Recovery Center (LCRC) is a psychiatric facility and rehabilitation center for people suffering from schizophrenia, depression, addiction, and other unmanageable behaviors. It is located at #105 Scout Rallos Street, Brgy. Sacred Heart, Kamuning, Quezon City.

For further information about LCRC, you may contact 415-7964 or 415-6529. You may also visit http://www.randydellosa.com/

First day namin sa practicum sa LCRC (at last!). Sa sobrang excited ko, hindi ata ako nakatulog nang husto. Sobrang naprapraning ako kung anong gagawin namin kahit nainform naman kami na gagawa kami ng Christmas decorations.. hehe...

On that day, first time namin makita and maka-interact yung mga residents ng LCRC. Nung umaga, may mga ilan kaming naka-interact na residents ng LCRC. Sobrang friendly nila. Inapproach nila kami at parang naging interesado sila sa ginagawa namin so tinuruan namin sila. Mas mabilisi pa yata sila matuto kaysa sa akin..hehe..Nainform rin kami ng umagang 'yon na may worship service yung mga residents. Pinapasok kami sa loob ng session hall para samahan sila. First time kong makapasok ng session hall tapos first time ko rin sila makita lahat. Hindi ko alam kung paano sila i-aaproach. Medyo nahirapan nga ako kasi wala talaga akong alam tungkol sa kanila. Kahit age nila hindi ko alam. Hindi ko rin alam yung mga cases nila..as in clueless talaga ako nung mga panahon na 'yon. Medyo natakot rin ako ng konti sa kanila kasi grabe silang makatitig. Siguro, bago kasi kami kaya kinikilala muna nila kami.

Napunta na rin ako sa point na parang nasa ibang mundo ako. Siguro nga nanibago lang ako kasi ngayon lang ako ulit nakapag-interact sa mga ibang tao. Siguro used lang ako na makipag-interact sa mga ka-age ko. Hindi lang siguro ako sanay makipag-interact sa mga hindi ko ka-age.

Then, pinagpatuloy na namin yung kailangan naming gawin. Sobrang bad trip lang kasi may sakit ako nun pero we're still doing what we're supposed to do. Syempre, sobrang ganado pa kami kasi first day namin eh!

Medyo nakakapagod yung first day namin sa LCRC pero iniisip ko na lang na we're doing this para sa residents ng LCRC (naks!)