skip to main |
skip to sidebar
(02-03-10) Day 24- Practicum in Clinical Psychology
Founded by Dr. Randy Dellosa, Life Change Recovery Center (LCRC) is a psychiatric facility and rehabilitation center for people suffering from schizophrenia, depression, addiction, and other unmanageable behaviors. It is located at #105 Scout Rallos Street, Brgy. Sacred Heart, Kamuning, Quezon City.
For further information about LCRC, you may contact 415-7964 or 415-6529. You may also visit http://www.randydellosa.com/
Haha, first time namin sumali sa mga residents sa aerobics! Oo, sumasali na kami dati pero nakatayo lang kami. Hindi kami nakakasama kapag hihiga na sila dun sa mat. Ngayon na may space na para sa amin, sumali na kami! Grabe, ang hirap pala talaga nung mga ginagawa nila lalo na yung crunch at push-ups! Parang ang dali lang kasi kapag pinapapanood ko sila. Grabe, parang nag-full body work-out ako..hehe..Sobrang pinawisan ako dun ha!
Nag-prepare din kami ng mga materials for the art therapy namin with Ms. Faye. Medyo hindi namin alam kung bubutasan ba namin yung mga shells o hindi kasi hindi talaga namin alam kung anong gagawin sa kanila. Hinintay na lang namin si Ms. Faye para i-clear na kung ano talaga ang dapat namin gawin. Ayun, nagustuhan naman niya yung mga materials.
First time ko maka-interact closely yung mga residents. May students kasi na naka-assign per table. Naka-assign ako sa table na may tatlong residents. Sobrang nakakatuwa pa kasi sinamahan din kami ni Peter, yung foreign intern, dun sa table. Kinakausap niya muna yung isang resident na kasama dun sa table na binabantayan ko. Natuwa lang ako dun sa isang resident kasi narinig ko yung mga na-realize niya at yung mga balak niyang gawin paglabas. Kinausap din ako ni Peter. Grabe, na-nose bleed talaga ako! Hindi ko siya masyado maintindihan kasi may british accent siya, at the same time hindi ko rin siya masyado marinig! Grabe, nakakaubos siya ng english! Pero may mabuting naidulot naman yung pakikipag-usap ko kay Peter. First, napangiti ko yung isang resident na napapansin ko na medyo matagal na siyang hindi ngumingiti at madalas siyang tahimik hindi katulad dati na active siya lagi. Second, marami akong nalaman tungkol sa kanya. Sobrang natuwa lang kasi ako sa masteral degree na kinukuha niya. He's currently taking up his masteral degree in psychoanalysis. Sobrang specific kasi nung course niya. Sinabi ko rin sa kanya na maraming theories sa psychology na madyo related dun sa theory ni Freud na psychoanalysis. Sabi niya sa akin na kung pag-aaralan namin ng husto yung psychoanalysis hindi talaga siya katulad ng ibang theories. Wow, naging interesado tuloy akong pag-aralan deeply ang psychoanalysis.
Sana makapag-lecture kami with Peter about psychoanalysis...
No comments:
Post a Comment